Formula: fee = trade amount x fee rate. Buy at sell ay magkahiwalay na charge. Makikita ang aktuwal mong rate sa fee page ng exchange na gamit mo; iyon ang ilagay sa fee rate. Kung walang naka-link na discount ang account mo, 0 ang ilagay sa discount.
Magkano ang singil ng Binance (Setyembre 2026)?
| Market | VIP0 maker | VIP0 taker | Kung BNB ang pambayad |
|---|---|---|---|
| Spot | 0.1% | 0.1% | 25% off: 0.075% |
| USDⓈ-M futures | 0.02% | 0.05% | 10% off, kung may BNB sa USDⓈ-M futures wallet |
Para umakyat sa VIP1, kailangan nang sabay ang 1,000,000 USD na trading volume sa loob ng 30 araw at 5 BNB sa account. Para sa baguhan, ang talagang nakakabawas ng gastos ay ang magbayad gamit ang BNB at ang mag-trade nang mas madalang.
Hiwalay ang withdrawal fee. Noong 27 Setyembre 2026, ang pag-withdraw ng USDT sa Binance ay 1.5 USDT sa TRC20, 0.01 USDT sa BEP20, at 0.3 USDT sa ERC20, at 5 USDT ang minimum. Fixed na halaga ito na itinatakda ng exchange at lumalabas sa withdrawal page pagkapili ng network; hindi ito ang aktwal na gas na binabayaran sa chain.
Para sa nasa Pilipinas: hindi rehistrado ang Binance sa SEC bilang crypto-asset service provider at wala ito sa listahan ng BSP ng mga VASP (Setyembre 2026). Kung PDAX, Coins.ph, o GCrypto sa GCash (pinapagana ng PDAX) ang gamit mo, ilagay sa fee rate ang nakasulat sa fee page nila; pareho ang formula.
Paano sinisingil ang trading fee
Ang exchange fee ay service charge para ma-match ang order mo. Maker/taker, BNB discount, at VIP tier ang karaniwang nagpapabago ng rate. Kahit 0.1% lang, lumalaki ito kapag madalas ang trades.